Advertisers

Advertisers

LUPIT NI MISIS! Titi ni mister nilitson

0 247

Advertisers

BINAWIAN ng buhay ang isang mister nang magtamo ng third degree burn ang ari at iba pang bahagi ng katawan nito matapos buhusan ng gas at sindihan ng misis sa Barangay Mohon, Tagoloan, Misamis Oriental.
Kinilala ang biktima na si Ponciano Biñan, 37 anyos; habang ang salarin ay ang kanyang misis na si Martines Sumalpong, 37.
Ayon sa hepe ng Tagoloan Police Station na si Major Ramil Amantiaga, nagbibilad ng mga mais ang biktima at sinabayan ng kaunting inuman kasama ang barkada.
Nang makatulog si Binan ay binuhusan ng gas ng kanyang misis ang ari nito at sinilaban.
Agad namang sumaklolo ang mga kaanak at kapitbahay ng mag-asawa. Itinakbo ang biktima sa pagamutan, habang inaresto ng pulisya ang salarin.
Subali’t dahil sa sobrang mahal ni Biñan ang kanyang kinakasama ay hiniling niyang pakawalan ito sa pagkakustodiya ng pulisya at pumirma na hindi na maghahahain pa ng reklamo.
Nang makauwi sa kanilang bahay ang mag-asawa, paglipas ng ilang oras ay hindi na nagising pa si Binan.
Umuwi naman si Sumalpong sa sarili nitong pamilya sa Bukidnon.
Salaysay ng mga kaanak ni Binan, tila may diperensya sa pag-iisip si Sumalpong dahil sa kakaibang ikinikilos nito.
Sa pinakahuling ulat, nagkasundo na ang dalawang panig na wala nang magsasampa ng kaso sa kondisyon na mismong pamilya ni Sumalpong ang mag-aasikaso sa burol hanggang mailibing si Binan.