Advertisers

Advertisers

B-DAY NI REVILLAME SABLAY SA ‘SOCIAL GATHERING’

0 188

Advertisers

Hinihintay na ni Mayor Joy Belmonte ang paliwanag ng Quezon City Police District (QCPD) kung bakit hindi nito napigilan ang pagdami ng tao sa labas ng Wil Tower Mall kung saan ginanap nitong Miyerkules ang kaarawan ng TV Jost na si Willy Revillame.
Ayon kay Belmonte, nais niyang malaman ang panig ng mga pulis kung papaanong walang crowd control ng PNP sa naturang lugar gayung bawal ang mga social gathering.
Base sa mga nakarating na ulat sa tanggapan ni Belmonte, mayroon umanong nanghikayat sa isang Facebook account na mamimigay ng pera si Revillame sa labas ng kanyang mall kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-60 na kaarawan kahapon.
Sabi ng alkalde, hihintayin niya ang police report bago siya maglalabas ng kanyang desisyon tungkol dito.
Bago ang kaarawan ng TV Host, nagpaalam naito sa alkalde na maglagay ng crowd control ng PNP sa naturang lugar dahil alam ng kanyang mga taga-hanga na sasapit ang kanyang ika-60 na kaarawan.
Agad inatasan ng alkalde ang QCPD na maglagay ng mga pulis sa lugar upang ipagbawal ang pagdagsa ng mga tao ngunit hindi pa rin napigilan ang pagdagsa ng mga taga-hanga ng aktor/host.
Sinabi naman ni QCPD Dir. Gen. Danilo Macerin, hindi totoong walang pulis sa lugar bagkus inabot pa nga ng hanggang alas-4:00 ng umaga ang Station Commander ng Kamuning Police Station para lamang pangunahan ang pagpapauwi sa mga taong dumagsa doon.
Paliwanag ng opisyal, kung hindi nakontrol ng mga pulis ang mga tao ay posibleng mas malaking bilang pa ang dumagsa doon ngunit dahil sa koordinasyon ng mga pulis ay napigilan ang pagdami nito.
Kaugnay nito, inatasan ni Quezon Belmonte ang contact tracing team na hagilapin ang lahat ng mga fans ni Willie Revillame na nagtungo sa labas ng mall sa Sgt. Esguerra Avenue Brgy. South Triangle.
Ito ay upang isailalim sa RT-PCR test ang mga nagtungong fans ng TV host para alamin kung nagkaroon ng hawaan ng ng COVID-19.
Nakikipag-ugnayan na rin ang alkalde sa sekretarya ni Revillame para tulungan ang lokal na pamahalaan na manawagan sa mga fans na kusang magtungo sa City Hall para sumailalim sa swab test.
Nais ni Belmonte na matiyak ang kaligtasan ng mga dumagsang tagahanga ng aktor sa labas ng Will Tower Mall na umasang mabibigyan ng tulong pinansyal.
Si Revillame ay nagdiwang nitong Miyerkules ng kanyang ika-60 na taong kaarawan kung saan dumagsa ang kanyang mga manonood na umaasang maaambunan sila ng pera o regalo.(Ernie Dela Cruz)