Advertisers

Advertisers

Brgy. Tserman, 3 pa kulong sa kasong murder

0 293

Advertisers

Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), Coast Guard Intelligence Group–SWM at Special Operations Unit – SWM, ang isang incumbent Barangay Captain sa Barangay Marang, Sumisip, Basilan.
Ayon sa ulat, naaresto ang kasalukuyang Kapitan ng nasabing barangay na si Jamiron Ajijon alays Jamirun Amigos nitong Huwebes ng madaling araw sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Honorable Leo Jay Principe, Presiding Judge ng Regional Trial Court 9th Judicial Region Branch 1 sa Isabela City, Basilan.
Bukod kay Jamiron, naaresto rin sina Bassel Ajijon Eting, 30; Alnasre Amigos, 21; at Johan Amigos, 20.
Sa nasabing operasyon, nadiskubre ang isang A2 M16 rifle, at iba’t-ibang mga magazine na may mga bala.
Si Jamiron umano ang pangunahing akusado sa pagpatay kay Roberto Musablin, kilalang negosyante sa Barangay Manaul, Sumisip, Basilan noong September 6, 2004.
Iginiit ng kamag-anak ni Musablin, nauugnay si Jamiro sa Abu Sayyaf Group (ASG) Basilan Base sa ilalim ng Sub-Leaders, Furuji Indama, Pasil Bayali, at Radzmil Jannatul.
Lider din umano ito ng City Hunter na kilalang gun-for-hire group na nag-o-operate sa Basilan.
DInala na sa PNP Anti-karnapping Group MInadanao Field Unit Headquarters sa Camp batalla, Zamboanga City ang mga naaresto.
Naging matagumpay ang operasyon sa pag-aresto sa akusado sa tulong na rin ng 53rd at 55th Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) . Regional Mobile Force Battalion 9, Mindanao Area Philippine Intelligence Office at basilan Parole and Probation Administration (PPO). (Jocelyn Domenden)