Advertisers
PATAY ang tatlong miyembro ng bandidong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at sugatan ang isa pa sa sagupaan sa pagitan ng militar sa Datu Saudi-Ampatuan, Maguindanao.
Ayon kay Major General Juvymax Uy, 6th Infantry Division Commander, nakaengkuwentro ng 6th Infantry Battalion ang armadong grupo ng mga bandido habang nagsasagawa sila ng combat clearing operations sa Barangay Kitango noong Enero 23.
Kinilala ang mga nasawi na sina Haider Suri, Guiali Pikas at Usman Abdulmaguid, habang ang sugatan ay nakilala si Monib Animbang.
“We will go after these extremists and continue to pressure terror groups like the BIFF that threaten the peace and security in this part of Mindanao,” ani Uy.