Advertisers

Advertisers

Imahen ng Birheng Maria, ninakaw sa Sampaloc

0 245

Advertisers

HINAHANAP ngayon ng mga opisyal ng isang barangay ang imahen ng Birheng Maria na nawawala sa Sampaloc, Maynila nitong Huwebes.
Ayon sa mga opisyal ng Bgy. 581, nakalagay sa garden ang imaheng ito na gawa sa bato na pag-aari ng mga residente sa nasabing barangay.
Sinabi ni Glo Camposano, opisyal ng Bgy 581, na nagulat sila nang makitang wala na ang imahen sa puwesto nito.
Mukhang antigo anila ang imahen kaya posibleng pinag-interesan.
Hindi hagip sa CCTV nila ang pagnanakaw pero umaapela sila sa publiko na ipagbigay-alam sa kanila kung sakaling makita ang imahen o kung ibinenta ba ito.
May Facebook page ang Brgy. 581 Zone 57 at doon pwedeng makipag-ugnayan sa kanila.(Jocelyn Domenden)