Advertisers

Advertisers

Nahahakot na medical waste sa Metro Manila umabot na sa 280 tons kada araw

0 224

Advertisers

UMAKYAT na sa 280-tons kada araw ang nahahakot na medical waste sa Metro Manila dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Batay sa inilabas na report ng Asian Development Bank at United Nations, ang kada isang tao sa health care facility ay nakakadagdag ng 3.5 kilograms ng medical waste kada araw.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, isa sa posibleng dahilan ng pagkalat ng maraming disposable face mask ay dahil walang malinaw na tapunan ang mamamayan.
Dahil dito, nagpagawa na aniya ang DENR ng mga dilaw na basurahan para sa mga household health care waste.
Target naman ng DENR na mabigyan ng dilaw na basurahan ang lahat ng local government units.