Advertisers

Advertisers

100% ANG TSANSANG MADEDO ‘PAG ‘DI NAGPABAKUNA – ISKO

0 272

Advertisers

“LAHAT tayo ay may 100 percent risk of dying pag di natin kinuha ang pagkakataong magpabakuna.”

Ito ang paliwanag ni Moreno, kasabay ng pagpawi niya sa pangamba ng ilang mga taga-Maynila tungkol sa pagpapabakuna. Gayunman ay iniiwan pa rin ni Moreno ang desisyon sa mga taga-Maynila kung magpapasaillim sila sa libreng bakunang ibibigay ng lungsod o hindi.

Sinabi ni Moreno na sa loob ng maraming buwan ay nagdadasal tayo na sana ay dumating na ang bakuna kontra COVID-19 upang makabalik na tayo sa normal na pamumuhay at ngayong paparating na ito ay ibibigay ito sa boluntaryong paraan.



Ayon kay Moreno, dapat na ituring natin ang ating mga sarili na maswerte dahil sa maagang pagdating ng bakuna dahil sa normal na sitwasyon, ito ay umaabot ng tatlo hanggang limang buwan bago magawa.

“It’s all up to you to choose to be vaccinated or not. Just make sure that you listen to facts and established data coming from legitimate and authoritative sources of information,” pahayag ng alkalde na nagsabi rin ng tanging ligtas at epektibong bakuna lamang ang gagamitin ng lungsod.

Inanunsyo din ni Moreno na napagkasunduan na nila ni Vice Mayor Honey Lacuna na sisikapin ng local government ng Maynila na sakupin ang mas maraming indibidwal sa pagbabakuna kahit hindi taga-Maynila basta kakayanin ng pondo.

Ang vaccination program ng lungsod ay para din sa mga hindi naninirahan sa Maynila, binigyang diin ng alkalde na ang coronavirus isang universal problem na kailangan tugunan ng lahat.

Ipinaliwanag din ni Moreno na ang mga non-residents pero palagian na lumuluwas ng Maynila dahil sa kanilang trabaho ay kailangan din na mabakunahan dahil proteksyon din ito ng mga taga-Maynila.



Pinangunahan nina Moreno at Lacuna ang ikalawang simulations ng vaccination program ng lungsod upang malaman kung paano tatakbo ang aktwal na pagbabakuna at gayundin ay upang malaman kung may mga lilitaw na suliranin at kung paano ito matutugunan. (ANDI GARCIA)