Advertisers

Advertisers

Bata patay sa pananaga; salarin todas din

0 359

Advertisers

NASAWI ang 10-taon gulang batang lalaki nang pagtatagain ng kapitbahay sa Barangay Tamugan, Marilog District sa Davao City.
Sa gilid ng kalsada sa Sitio Sto. Niño natagpuan ang bangkay ng bata na si Jaylord Doña, Huwebes ng gabi.
Nagtamo ang bata ng dalawang sugat sa bandang ulo mula sa pananaga, base sa pagsusuri ng awtoridad.
Sa salaysay ng lolo ng biktima na si Leonardo Dona, nakita niya ang pangyayari at itinurong salarin ang kanilang kapitbahay na si Francisco Yap, 52.
Pinuntahan ng mga pulis ang lugar kungsaan nagtatago ang salarin pero sa halip na sumuko, tinangka nitong sugurin at tagain si Police Staff Sergeant Gene Andal kaya siya nabaril.
Dead on arrival si Yap sa Isaac Robillo Hospital.
Nakitaan din umano ng hinihinalang marijuana si Yap sa bulsa ng kaniyang damit.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.