Advertisers
MANANATILI sa General Community Quarantine ang buong National Capital Region (NCR) kasama na ang probinsya ng Batangas; Tacloban City; Davao City at Davao del Norte at ang Lanao del Sur at Iligan City simula Pebrero 1 hanggang 28, 2020.
Habang isasailalim din sa GCQ ang Cordillera Autonomous Region (CAR), Abra, Apayao, Benguet, Baguio, Ifugao, Kalinga at Mountain province.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, lahat ng mga iba pang mga rehiyon at probinsya at mga siyudad na hindi nabanggit ay mapapasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ). (Vanz Fernandez)