Advertisers

Advertisers

Barilan sa Malabon: 2 patay, 1 kritikal

0 146

Advertisers

Patay ang dalawang katao kabilang ang isang lalaki na ka live- in ng isa sa mga biktima ng pamamaril sa Malabon City, February 20, 2026 ng madaling araw.
Kinilala ang isang nasawi na si alyas “Michael”, 43-anyos, ng Blk.2, Kadima Letre ng lungsod.
Sugatan naman si alyas “Jennifer”, 49, ng Block 2, Kadima, Letre, Brgy. Tonsuya, Malabon City.
Sa ulat, 3:15 ng madaling araw noong Biyernes, nang mangyari ang insidente sa Block 4, Letre Damata, Brgy Tonsuya, Malabon City.
Sa report, tatlong salarin ang nagtungo sa lugar habang nagtitipon- tipon ang mga biktima at malapitang pinaputukan ang mga ito na pawang nakasuot ng mga sumbrero at balot ang mga mukha .
Dead on the spot ang ikatlong salarin na ‘di pa pinangalanan nang paputukan nang lumabang biktima.
Inaalam na ng Malabon City Police ang motibo sa pamamaril.(Beth Samson)