Advertisers

Advertisers

CHINESE NEW YEAR ACTIVITIES KINANSELA NI ISKO

0 237

Advertisers

UPANG maiwasan ang posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ‘di mabalewala ang lahat ng sakripisyo ng mga taga-lungsod nitong nakaraang sampung buwan, ay nagpalabas si Manila Mayor Isko Moreno ng kautusan na kanselahin ang lahat ng activities mula February 11 hanggang 12 na may kinalaman sa Chinese New Year celebration.

Ang utos ni Moreno ay kinabibilangan ng pagbabawal sa pagsasagawa ng parada, dragon at lion dances at pagpapaputok at pagpapailaw ng mga firecrackers sa mga kalye, gayundin ay ipatutupad ang liquor ban partikular sa Chinatown area o Binondo sa nasabing mga petsa.

Base sa executive order No. 4 (series of 2021) na nilagdaan ni Moreno at binigyang patunay ni secretary to the mayor Bernie Ang na isang Chinese-Filipino at prominenteng nilalang sa Chinese community, maging ang China ay kinansela na rin ang kanilang Lunar New Year celebration kung saan milyung-milyong migrante ay pinayuhang huwag na munang umuwi para sa nakatakdang Chinese holidays.



Tradisyunal na sa Maynila ang pagdiriwang ng Chinese community ng kanilang bagong taon na nakatakda sanang isagawa mula February 11 hanggang February 17, 2021, kung saan ang bisperas ng Chinese New Year ay sa February 11 at ang mismong Chinese New Year ay February 12.

“The activities during the New Year celebration, if not cancelled, can be surely an easy medium of Covid-19 spread and transmission thereby endangering the health, well-being and safety not only of residents but also their visitors who will join them in the celebration,” sabi ni Moreno.

Idinagdag pa nito na: “Locally, there is therefore a compelling need for the City to cancel any and all activities to celebrate the Chinese New Year not only to avoid the fear envisioned above but also in order not to put in vain all initiatives the City had already undertaken the entire duration of this pandemic.

This cancellation is all the more compelling due to reports of Covid variant entering the country.”

Kabilang sa mga gawain na ipinagbabawal nang ipinalabas na kautusan ay ang pagasasagawa ng mga street parties at sing-along activities, stage shows, parades at street games.



Bawal din ang dragon at lion dances dahil umaakit ito ng maraming tao na puwedeng pagmulan ng COVID-19 at ng variant nito.

Inatasan na rin ni Moreno si Manila Barangay Bureau (MBB) chief Romeo Bagay na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maikalat nang epektibo ang nilalaman at impormasyong nakapaloob sa nasabing EO — kabilang na ang listahan ng mga ipinagbabawal na firecrackers at pyrotechnic devices ayon sa itinatakda ng PNP sa mga barangay upang magsilbing gabay.

Si Bagay, kabilang na si Manila Police District Director Gen. Leo Franciso ay inatasan din na utusan ang lahat ng mga barangay officials sa lungsod na istriktong ipatupad ang liquor ban alinsunod sa IATF Omnibus Guidelines sa social distancing at ang istriktong pagsusuot ng face masks at face shields. (ANDI GARCIA)