Advertisers

Advertisers

Lending collector, sinunog ng buhay kasama ang motor

0 290

Advertisers

Natusta nang buhay ang isang lending collector kasama ang kanyang motorsiklo nang silaban ng hindi pa kilalang salarin nitong Biyernes ng hapon sa North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Jeric Uyanguren Ferolino, 22, residente ng Tagum City.
Sa report ng Arakan Police Station, 3:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa Sitio Kiatoa, Barangay Lanao Kuran, ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, umaga ng Biyernes, nakita pa ang biktima na naniningil ng mga pautang sa lugar.
Subali’t pagsapit ng hapon, nakita na lamang ang sunog na bangkay ni Ferolino pati ang kanyang motorsiklo.
Patuloy ang imbestigasyon para alamin ang motibo sa krimen.