Advertisers

Advertisers

Garbage truck nahulog sa bangin: 1 patay

0 239

Advertisers

NAHULOG sa bangin ang isang garbage compactor truck sa Barangay New Carmen, Tugbok district, Davao City, Lunes ng gabi.
Dumiretso sa malalim na bangin malapit sa New Carmen dumpsite ang truck nang may iwasan umano itong kasalubong na sasakyan.
Nakuha ng mga rescuer mula sa truck ang dalawang sakay at iniakyat gamit ang lubid at spine board.
Naisugod sa ospital ang isang sugatang pasahero pero namatay ang driver ng truck na hindi pa pinangalanan dahil sa grabe ang naging aksidente.