Advertisers

Advertisers

Sunshine Cruz pahinga muna sa career dahil sa health issue

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio



Ipinakita ng aktres at celebrity mom na si Sunshine Cruz ang bunga ng kanyang mahigit isang taon na fitness journey sa social media, partikular sa bahagi ng kanyang glutes.

Ayon sa aktres, ang kanyang transformation ay patunay ng tuluy-tuloy na disiplina at determinasyon. “Proof of what a year and a half of consistency looks like,” ani Sunshine sa kanyang Instagram post.



Sa kabila ng kanyang kondisyon na Myasthenia Gravis, iginiit ni Sunshine na hindi ito naging hadlang sa kanyang pag-eehersisyo kaya nagpapasalamat ito sa kanyang coach. “Even with Myasthenia Gravis, we made those glute gains happen. Consistency is everything,” dagdag pa niya.

Matatandaang inamin ng aktres ang kanyang pakikipaglaban sa autoimmune disease na nagdudulot ng panghihina at mabilis na pagkapagod ng kalamnan, dahilan upang tumanggi siya sa ilang proyekto upang unahin ang kalusugan.