Advertisers

Advertisers

KUTA NINA VIOLAGO, AMANG AT ALDO SA CAVITE!

0 52

Advertisers

SA gitna ng mainit na kampanya ng awtoridad laban sa oil and petroleum smuggling, pilferage o buriki/paihi ay nabuking kamakailan ang operasyon ng mala imperyo na “Smuggling at Buriki syndicate” nina alyas Violago, Amang at Aldo sa Navotas-Malabon area at Metro-Manila. Ngunit lubhang nakapagtataka naman ang tila “kongreto at pader” na di matinag-tinag na operasyon ng mga ito sa Brgy. Bancal, Carmona City, Cavite.

Carmona City, Cavite Mayor Dahlia Loyola at Cavite PNP Acting Provincial Director Col. Ariel Red

“Kongkreto at pader” kung tawagin ang kuta nina Violago, Amang at Aldo na siyang imbakan ng mga smuggled at nakaw na krudo, gasolina, gas at iba pang petroleum product pagkat sa kabila ng kaliwat-kanang police crack down laban sa naturang ilegalidad ay nanatiling aktibo ang talamak na operasyon ng naturang sindikato. Hindi lamang smuggled at nakaw na produktong petrolyo ang nakaimbak sa kanilang kuta sa Brgy. Bancal, Carmona City, Cavite, kundi maging ang mga “pasingaw” o ninakaw na Liquified Petroleum Gas (LPG) sa mga capsule truck ay doon din itinatago.

Nagmumukhang “double standard” at may pinipili ang pagpapairal ng kampanya nina PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr. at Region 4A PNP Director BGen. Hansel Marantan laban sa oil and petroleum smuggling, buriki/ paihi at iba pang uri ng kriminalidad kung patuloy na binabalahura ng notorious na Violago, Amang at Aldo crime syndicate ang kampanya ng PNP laban sa petro smuggling at buriki/paihi.

Labis nagtataka na may halong pagdududa ang anti-crime group na Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) kung bakit sa tinagal-tagal at deka-dekada na ang ilegal na operasyon ng sindikatong Violago, Amang at Aldo sa Brgy. Bancal, Carmona City ay wala ding aksyon laban dito sina Cavite Gov. Francisco Gabriel “Abeng” Remulla, Cavite PNP Acting Provincial Director Col. Ariel Red, Carmona City Mayor Dahlia Loyola at Police Chief LtCol. Melvin M. Balba.

Liban sa untouchable na smuggling at pilferage o buriki/paihi operation nina Violago, Amang at Aldo ay di rin sinasaling nina PDGen. Nartatez Jr. at BGen. Marantan ang parang kabute na nagkalat na pasugalan tulad ng sakla sa Cavite pati na ang mga tradisyunal na peryahan sa buong Region 4A na bukod sa ilegal na pasugal ay front din ng bentahan ng droga.

Sentro ng operasyon ang mga ilegal na pasugal lalo ng Small Town Lottery (STL) bookies, peryahan/sugalan (pergalan) at mga saklaan ang mga lalawigan ng Cavite, Batangas at Laguna.

Suhestiyon ng MKKB, kung sinsero sina PDGen. Nartatez Jr. at BGen. Marantan sa kanilang anti smuggling at pilferage drive, kampanya laban sa illegal gambling at iba pang uri ng kriminalidad ay agad ng mga itong atasan sina Col. Red at LtCol. Balba na magsagawa ng crack down laban kina Violago, Amang at Aldo at sa mga illegal gambling den sa CALABARZON.

Kasuhan din nila hindi lamang ang mga police protector, kundi maging ang mga provincial, lokal na opisyales at barangay officials na “pumapatong” o mismong maintainer ng ilegal na aktibidad.

Sa bisa ng R.A 9478 ay papatawan ng hanggang 16 na taon na pagkabilanggo at habang buhay na diskwalipikasyon na humawak ng pwesto sa pamahalaan ang mga police official at iba pang law enforcers, elected officials tulad ng gobernador, mayor at barangay officials na protektor o mismong maintainer ng ilegal activity.

Hindi na dapat mangimi ang mga mamamayan na ibunyag kung sino ang mga tiwaling government official. Subaybayan…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144