Advertisers

Advertisers

Lolo, walang habas nagpaputok ng baril sa harap ng anak

0 2

Advertisers

Arestado ang seniorcCitizen nang walang habas na nagpaputok ng baril sa harap ng kanyang anak sa Brgy, Bulihan Malolos City 11:00 ng umaga Abril 12 2026.
Sa report ni PLt.Col. Rommel Geneblazo kay OIC PNP Provincial Dir. PCol. Jay B. Baybayan, kinilala ang suspek na si Alyas Temyong, 64-anyos, biyudo, residente ng Brgy. Pinagbakahan sa nabangit na lungsod, habang ang biktima naman nakilalang si alyas Jr, 32-anyos residente sa nabangit na siyudad.
Nabatid nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama, na nauwi sa pagpapaputok ng baril at pananakot sa anak.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang cal.38 revolver na baril na wala umanong dokumento.
Samantala kasong paglabag sa RA 11926 (An act penalizing Wilful and Indiscriminate Discharge of Firearms Act), RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Grave Threat under Art 282 of the RPC.
Detenido ngayon ang suspek sa Malolos City Jail.(Thony D. Arcenal)