Advertisers

Advertisers

Truck inararo bgy. gym: 4 patay

0 2

Advertisers

NASAWI ang apat katao nang araruhin ng isang wing van truck ang Barangay Marilog Gym at ilang nakaparadang sasakyan Sabado ng umaga, Abril 11, 2026.
Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), kabilang sa mga nasawi ang driver ng truck, kanyang pahinante, at dalawang bystanders.
Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Batay sa paunang imbestigasyon, pinaniniwalaang nagkaroon ng tire blowout ang truck na naging dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver at diretsong sumalpok sa gusali at mga sasakyan.
Malakas ang impact ng pagkabangga na nagdulot ng matinding pinsala sa istruktura ng gymnasium.
Patuloy pang inaalam ang sanhi ng aksidente, kabilang ang posibilidad ng mechanical failure o human error.
Pansamantalang isinara ang bahagi ng lugar upang bigyang-daan ang masusing imbestigasyon at maiwasan ang karagdagang insidente.
Apela ng mga otoridad sa publiko ang ibayong pag-iingat, lalo na sa mga lugar na dinaraanan ng mabibigat na sasakyan.