Advertisers

Advertisers

61K na naaresto sa pinaigting na “Safer Cities Initiative”

0 8

Advertisers

UMABOT na sa mahigit 61,000 na mga indibidwal ang nahuli ng mga otoridad matapos na ipatupad ang mahigpit na implementasyon ng Safer Cities Initiative na inilunsad sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) simula Abril 6 hanggang Abril 11.

Batay sa datos, higit sa 18,900 ang naitala sa ilalim ng mga common offenses gaya ng pag-iinom sa mga lansangan at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Bahagi naman ng datos ang halos 526 na mga kaso ng paglabas ng walang suot na damit pang-itaas, 586 naman ang naitala na lumabag sa enhanced curfew hours habang 70 naman ang naitalang mga karaoke-related violations.



Habang ang higit sa 30,000 mga naitalang paglabag naman ay pawang classified sa ilalim ng mga umiiral na lokal na ordinansa gaya ng loitering, public disturbance at iba pang kahalintulad nito.

Paliwanag naman ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga naging resulta ng mga isinagawang operasyon ay pawang nagpapakita lamang ng mas pinalakas na police visibility at mas pinaigting na koordinasyon ng mga lokal na mga otoridad sa pagpapanatili ng kaayusan.



Samantala, matatandaan naman na ilang mga human rights group ang nagpahayag ng kanilang posisyon para sa programa na kanilang tinawag na anti-poor.

Sa kabila nito, nanindigan ang PNP at maging ang DILG na ang pagpapatupad ng striktong implementasyon nito ay hindi para parusahan ang publiko bagkus ay protektahan sila mula sa mga posibleng krimen at gawing ligtas ang mga komunidad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">