Advertisers

Advertisers

Malacañang Press corps nabiktima ng fake news

0 6

Advertisers

MARIING pinabulaanan ng Malacañang Press Corps (MPC) ang alegasyong sila ay nagpapagamit o nababayaran upang pagtakpan ang tunay na kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Batay sa inilabas na statement ng MPC, binigyang-diin na ang kanilang mga ulat ay dumaraan sa masusing beripikasyon at nakabatay sa impormasyon mula sa mga opisyal at sa kanilang sariling obserbasyon.

Iginiit ng grupo na malinaw sa mga nakaraang press briefing kung paano nila inuusisa ang pamahalaan hinggil sa kondisyon ng Pangulo.



Kinondena ng MPC ang mga pagtatangkang sirain ang kredibilidad ng media at ang pagkalat ng maling impormasyon sa social media.

Bunga nito, hinimok ng grupo ng mga mamamahayag ang publiko na maging mapanuri at huwag basta maniwala sa mga walang basehang alegasyon.



Sa kabila nito, tiniyak ng MPC na magpapatuloy sila sa pagbibigay ng patas at makatotohanang ulat para sa kapakanan ng mamamayan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">