Advertisers

Advertisers

House justice panel tiniyak tuloy ang hearings sa kabila ng SC petitions

0 5

Advertisers

SINIGURO ni House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega na magpapatuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa kabila ng mga petisyong inihain sa Korte Suprema.

Sinabi ni Ortega, hindi awtomatikong napipigil ng mga petisyon ang proseso hangga’t walang utos ang SC tulad ng temporary restraining order.

Iginiit niyang sumusunod ang komite sa Konstitusyon, House rules, at ebidensya.



Dagdag pa niya, magpapatuloy ang mga pagdinig ayon sa iskedyul bilang bahagi ng mandato ng Kamara at upang mabigyan ng pagkakataon ang Bise Presidente na maipagtanggol ang sarili.

Binigyang-diin din ni Ortega na ang proseso ay nakatuon sa due process at patas na pagdinig para sa lahat ng panig.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">