Advertisers

Advertisers

Ex-Councilor ng Taguig na may kasong pagnanakaw at droga patay sa tandem

0 447

Advertisers

BINARIL-PATAY ang isang dating konsehal ng lungsod sa Barangay Ibayo-Tipas, Taguig City.
Sa ulat ng hepe ng Taguig City Police na si Kernel Celso Rodriguez, kinilala ang biktima na si Richard Paul Jordan na dating konsehal ng second district ng lungsod.
Sa report, dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo ang bumaril kay Jordan sa bahagi ng Dinggin Bayan Street dakong 10:00 ng umaga at mabilis na tumakas.
Nakuha sa crime scene ang walong basyo at tatlong slugs ng caliber .45 na baril.
Noong 2018, inaresto si Jordan sa pagpupuslit ng ilang ecstasy tablets sa isang casino-hotel sa Parañaque City at kinasuhan ito ng Theft at Illegal Drug Possession.
(Gaynor Bonilla)