Advertisers

Advertisers

Online sabong sa Agusan Norte ni-raid: 22 kulong

0 5

Advertisers

NALAMBAT ng mga ahente ng NBI-CARAGA Regional Office ang 22 indibidwal nang salakayin ang isang illegal online sabong hub sa Tubay, Agusan del Norte, Abril 6.
Nagsimula ang operasyon nang makatanggap ng impormasyon ang NBI-CARAGA tungkol sa e-sabong na ginaganap tuwing Lunes at Martes sa sabungan sa Tubay.
Kinumpirma sa surveillance at pagmamanman sa social media ang katotohanan ng nasabing ulat.
Sa pagtutulungan ng NBI-CARAGA at PNP-RID 13, ikinasa ang isang entrapment operation na nagresulta sa pagkakahuli ng 22 indibidwal kabilang na ang operator at supervisor ng sabungan; system provider manager at game master; announcer, sweeper, gaffer, kristo at largador; at handler, mga bet taker at dalawang mananaya.
Nitong Abril 7, pormal nang isinampa ang kaso laban sa mga nadakip sa Municipal Trial Court ng Tubay.
Ang mga naaresto ay nahaharap sa paglabag sa Presidential Decree No. 449 (Cockfighting Law of 1974) na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.