Advertisers

Advertisers

Excise tax sa LPG at kerosene tinanggal ni PBBM

0 5

Advertisers

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtanggal ng excise tax sa ilang produktong petrolyo, partikular sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isang press conference sa Malacañang Palace bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis sa mga mamama-yan.

Ayon kay Marcos, inaasahang makatutulong ang pagtanggal ng buwis upang bumaba ang presyo ng LPG at kerosene, na karaniwang ginagamit sa pagluluto at ilaw lalo na sa mga kabahayan.



Dagdag pa ng Pangulo, layunin ng hakbang na ito na magbigay ginhawa sa mga pamilyang Pilipino, partikular sa gitna ng patuloy na hamon sa ekonomiya at pagtaas ng gastusin. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">