Advertisers

Advertisers

Rico Blanco pang-leading man na rin!

0 8

Advertisers

Ni Anne Venancio



Leading man na ang bagong role ng OPM veteran na si Rico Blanco sa romantic comedy film na “Project B,” kung saan makakatambal niya ang aktres na si Sue Ramirez na gaganap bilang si Sandy, isang babaeng may planadong buhay at malinaw na goals, kabilang ang paghahanap ng ideal na “baby daddy.” Si Rico naman ay gaganap bilang si Migo, ang lalaking magiging bahagi ng paglalakbay ng kanyang karakter sa kwento.

Tampok sa pelikula ang makabagong pananaw sa relasyon, career aspirations, at konsepto ng pamilya, na ihahain sa pamamagitan ng romansa at komedya.



Ididirek ang pelikula ni Eric Quizon, na kilala sa paggawa ng mga proyektong may halong drama at comedy.

Para kay Rico, itinuturing niya ang proyekto bilang bagong yugto sa kanyang karera bilang aktor, bukod sa pagiging kilala bilang musikero sa industriya ng OPM.