Advertisers
Ni Beth Gelena
Ininahagi ni Alexa Ilacad ang walang sawang suporta ni Darren Espanto sa kanya.
Ipinahayag ni Alexa ang taus pusong pagsuporta sa kanya ng singer lalo na sa final ng Your Face Sound Familiar.
Nagpasalamat ang singer aktres dahil hanggang sa huli ay nanatili sa kanyang tabi ang singer.
Sa backstage that night ay panay ang himas ni Darren kay Alexa habang inaatake ng pagkabalisa, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.
Nagpahayag naman si Alexa ng pasasalamat sa kanilang matibay na pagkakaibigan.
Ibinahagi ng aktres ang kanyang damdamin matapos muling i-post ang isang video ng mga tagahanga na nagpapakita ng kanilang pagyakap sa backstage matapos ang kanyang huling pagtatanghal sa Your Face Sounds Familiar Season 4.
Ibinahagi ni Alexa na si Darren ay nanatili sa kanyang tabi sa buong araw ng taping.
Aniya, “Mula umaga palang hanggang sa matapos yung buong show, Darren stayed to show his full support and to cheer me on. Papasok nalang ako ng iconator, nandun pa rin siya sa tabi ko, distracting me from my anxiety attack.”