Advertisers
TINAWAG na “weakest link” ng isang abogado ni Misfit Sara si Ramil Madriaga sa usapin ng kanyang impeachment na kasalukuyang sumasailalim ng proseso sa Kapulungan ng ga Kinatawan (Camara de Representante). Sa takbo ng nangyari kung saan binasa ni Madriaga ang kanyang supplemental affidavit sa harap ng kamera sa pagdinig noong Martes sa House Committee on Justice, hindi totoo na siya ang weakest link, o pinakamahina sa mga kaugnayan sa impeachment complaint laban sa Misfit.
Kabaligtaran ang nangyari sa komite . Hindi weakest link ang nagbigay ng salaysay na yumanig sa madla at kampo ni Misfit Sara. Walang batayan ang abogado na hindi namin babanggitin ang pangalan para hindi sumikat dahil pipitsugin siya sa aming pakiwari. Hindi weakest link si Madriaga na nagpakilala sa sarili bilang isang dating malapit na tauhan ni Gongdi at Misfit na pinagkatiwalaan nila na tumanggap, humawak, at mamahagi ng pera para sa mga taong kanilang binili upang gamitin sa mga hindi kanais nais na gawain.
Dalawang detalye ang itinuturing namin na matingkad sa kahalagahan sa supplemental affidavit na isiniwalat at binasa ni Madriaga sa pagdinig noong Martes ng komite na pinamumunuan ni Kin. Jinky Luistro ng Batangas. Una, sangkot si Mans Carpio, asawa ni Misfit, sa kontrobersyal na bilyong piso na shabu smuggling noong 2018.
Ayon kay Madriaga, inutusan umano siya ni Gongdi na tulungan si Carpio sa kanyang suliranin. Nagpulong sila ng dalawang beses upang pag-usapan kung paano ilalabas sa Bureau of Customs ang bilyon bilyong piso shabu na ipinuslit sa bansa gamit ang magnetic lifter. Tinatayang aabot sa P4.3 bilyon ang halaga ng shabu na inilagay sa magnetic filter kahit hindi nagbigay ng halaga si Madriaga sa kanyang sinumpaang salaysay.
Ikalawa, tumanggap umano si dating Ombudsman Samuel Martirez ng P15 milyon na ipinadala ni Gongdi sa kanya. Sinabi ni Madriaga na inutusan siya umano ni Gongdi na kunin kay Lin Wei hon ng Pharmally Corp ang P175 milyon upang gamitin sa kampanya ni Misfit Sara na may plano na tumakbo sa panguluhan sa halalan ng 2022. Sinabi ni Madriaga na binuo nila ang ISIP (Inday Sara sa Panguluhan) bilang isang kilusan na maglulunsad sa kandidatura ni Misfit sa halalan. Kasama sa pondong ibinigay ni Lin ang P15 milyon para kay Martirez na naging kontrobersyal dahil pinigil niya ang paglabas sa publiko ng SALN ng mga Duterte.
Batay sa testimonya ni Madriaga, hindi malinis si Martires kahit kasalukuyan siya na nagmamalinis. Kinantiyan niya si Madriaga at nagsabing kailangan niyang magpatingin ng huli sa psychiatrist. Hindi kinikilala si Martirez sa anumang achievement at performance bilang Ombudsman. Kilala siyang aso ni Gongdi.
Lumantad sa publiko si Madriaga at kinilala ang sarili bilang bagman umano ng mag-amang Gongdi at Misfit Sara para sa kanilang mag pakay sa pulitika. Kasalukuyang nakakulong si Madriaga dahil kontra siya sa land grabbing umano ng grupo ni Harry Roque sa ilang piraso ng lupa na gagawin sana na POGO hub sa Bataan.
Kasalukuyang inaalam ng komite ni Luistro kung may “probable cause,” o sapat na batayan at dahilan upang isulong sa plenaryo ang dalawang impeachment complaint kontra kay Misfit Sara na iniharap ng dalawang magkahiwalay na grupo sa Camara de Representante. Kung may batayan, ihaharap ito ng komite ni Luistro sa plenaryo ng Kapulungan upang gawin ang Articles of Impeachment na maaaring dahil sa Senado.
Binabatikos ang pamilya Duterte dahil sangkot umano sila sa drug smuggling bansa. Ayon kay Arturo Lascañas at Sonny Trillanes, ang mga Duterte ang pangunahing druglord sa bansa kahit sila ang nagpasimuno ng kampanya laban sa ilegal na droga.
Ayon kay Madriaga, tinawagan siya umano ni Carpio pagkatapos utusan siya ni Gongdi na tulungan niya si Carpio. Nagkita sila sa isang coffee shop sa Bonifacio Global City (BGC) noong 2018 kung saan hiningi ni Carpio na siya ang makipag-usap sa BoC upang ilabas ang shabu shipment na nasa magnetic filter.
Sinabi ni Madriaga na may kausap siyang manananggol na babae ng BoC at tagumpay niya na nailabas ang shabu shipment. “The female lawyer informed me that it was difficult to release the same because it was a ‘hot item.’ I reported this to Attorney Mans, and we met again in the same spot in BGC, Taguig City. This was the last time we met regarding this issue,” ani Madriaga. “Later, I learned that the contents of the magnetic lifters, at least 500 kilograms of shabu worth P4.3 billion, were mysteriously missing,” aniya.
Halos 500 kilo ang pinaghihinalaang shabu na nasa loob ng magnetic lifter na dumating sa Port of Manila noong Agosto, 2018. Ayon sa mga dokumento, ideklara ito na door frames para sa construction, ngunit hindi ito kinuha matapos ang 30 araw. Itinuring ito na abandonado. Nang buksan, nakita ang dalawang magnetic lifter. Naamoy ng mga aso na may droga ito, ngunit nailabas pa rin ang shabu shipment.
“Despite only earning P100,000 to P150,000 from my services to PRRD (former President Duterte), millions of pesos went through bank accounts opened for me by close associates of PRRD. I admit that during PRRD’s term as President, I served as a dummy for the transfer of large amounts of money,” ani Madriaga. Nakadeposito ang halaga sa ilang bangko sa Makati, Pasig, at Pampanga at ginamit umano ito sa ilang transaksyon para sa “intelligence operations” at laundering.