Advertisers
Ni Anne Venancio
Ibinahagi ng actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang kanyang naranasang anxiety at depresyon sa programang ‘Fast Talk with Boy Abunda.’
Dumaan siya sa panahong halos apat na araw na hindi nakakakain at hindi makabangon mula sa sofa. Inamin din niya na minsan na siyang naospital dahil sa matinding anxiety at ayaw na niyang maulit pa ito.
Aminado si Heart na hindi madali ang mga nababasa niyang criticisms sa social media. Emosyonal din ang aktres nang balikan ang relasyon nila ng kanyang ina kung saan inamin niyang nagsisisi siya sa mga panahong hindi sila nag-uusap.
Na-realize umano niya ang halaga ng oras kasama ang magulang habang tumatanda ito.