Advertisers

Advertisers

DILG chief personal nagsori sa lalaking hinuling topless habang naghahalo ng semento

0 12

Advertisers

PERSONAL na binisita ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Miyerkoles ang lalaking nahuling walang saplot pang-itaas habang naghahalo ng semento sa labas ng kanyang bahay sa Mandaluyong City.
Muling inamin ni Remulla ang naging pagkakamali sa hindi malinaw na implementasyon ng polisiya at humingi ng paumanhin sa pagbisita kay Jhony Lanquino sa Barangay Addition Hills.
Tinanggap naman ni Lanquino at ng kanyang misis ang paumanhin ng kalihim. Giit ng misis, hindi sila tutol sa polisiya ngunit dapat sana ay nagbibigay muna ng babala ang mga awtoridad.
Inanunsyo ni Remulla Abril 6 ang mas mahigpit na implementasyon ng pagbabawal sa pag-inom ng alak, pagsusugal, at paglabas ng walang saplot pang-itaas sa mga pampublikong lugar sa ilalim ng ‘Safer Cities Initiative’.
Ibinalik ni Remulla ang P500 multa ni Lanquino, kasabay ng pagbibigay ng financial assistance para sa pagpapatuloy ng kanilang konstruksyon sa bahay.
(Mark Obleada)