Advertisers

Advertisers

DepEd, kinuwestiyon sa naantalang school safety measures

0 3

Advertisers

BAGAMA’T pinuri ang naging hakbang ng Department of Education na nationwide school safety measures bunsod ng nangyaring barilan sa Tacloban City campus na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong estudyante noong Hunyo 22, kinuwestiyon naman ni Senador Raffy Tulfo kung bakit ngayon lamang ito naipatupad.

Kabilang sa mga hakbang na inihayag ng DepEd, sa ilalim ng direktiba ni Education Secretary Sonny Angara, ang paglalagay ng hand-held metal detectors at CCTV cameras sa mga pampublikong paaralan upang mapalakas ang seguridad at mapadali ang pagkalap ng ebidensya sakaling magkaroon ng insidente.

Ayon kay Tulfo, matagal na niyang isinusulong ang naturang mga hakbang.



Aniya, una niya itong iminungkahi noong pagdinig ng Senate Committee on Basic Education noong Agosto 2025, kung saan sinuportahan ito ng DepEd.

Muli rin niya itong inirekomenda noong Marso 2026, kabilang ang paglalagay ng CCTV cameras sa mga silid-aralan at iba pang common areas, ngunit hindi umano ito agad naipatupad.



Matapos ang insidente sa Tacloban, sinabi ni Tulfo na personal niyang kinausap si Secretary Angara upang i-follow up ang mga panukala. Ayon sa senador, nangako ang kalihim na agad itong aaksyunan. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">