Advertisers
IGINIIT ng Office of the Vice President (OVP) na abala pa si Bise Presidente Leni Robredo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektado ng pandemya para unahin ang usaping pulitika.
Pahayag ito ng OVP sa gitna ng mga ulat na posibleng tumakbo bilang presidente si Robredo sa 2022 elections.
“VP Leni is currently focused on working to help our fellow Filipinos overcome the challenges of the pandemic and the long quarantine,” paha- yag ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni VP Leni.
“This is the need of the moment and her priority right now.”
Nitong linggo nang lumabas ang ulat tungkol sa nabuong kilusan ng ilang tagasuporta ni VP Leni para isulong ang pagtakbo niya sa halalan.
Mismong si Liberal Party (LP) internal vice president at dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang nag-post ng larawan ng isang meeting na naganap sa Quezon province.
Sinabi naman ni LP president Sen. Kiko Pangilinan na ikinokonsidera rin nilang maging standard bearer ng partido sa halalan si Robredo.
“(She is) a high official of the party and is also the highest elected official of the party. So she is also being considered.”
Pero ayon kay Gutierrez, may tamang panahon para talakayin ang usapin tungkol sa eleksyon.
Kamakailan nang magsulputan din ang mga tagasuporta ni Davao City Sara Duterte-Carpio na nananawagang tumakbo siya bilang presidente.
Subalit nilinaw ng presidential daughter na posibleng sa 2034 elections pa niya ikonsidera ang pagtakbo sa posisyon.