Advertisers
PINATUNAYAN ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang doktrinang “No man is above the law” ng aktong ihahain ng mga ito ang arrest warrant na iniisyu ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherland sa “matikas” na Senador Ronald “Bato” Dela Rosa nang bigla itong kumaripas ng takbo upang makalayo sa mga awtoridad.

Malinaw ang mensahe sa aksyon ng NBI: “Everyone, regardless of rank or position, is subject to the ordinary law of the land”, pantay-pantay ang kanilang pagtrato sa mga mamamayan, maging sila man ay pinuno at opisyales ng pamahalaan, ay saklaw ng parehas na pagtrato sa ilalim ng ng umiiral na mga batas.
Nakakabilib naman ang mabunying senador pagkat kahit halos kalahating taon itong di pumapasok sa senado ay sumusweldo bilang isang lingkod-bayan. Physically fit pa rin ito dahil nagawa pa nitong kumaripas ng takbo upang iwasan ang mga humahabol na mga NBI agent.
Salamat naman at dalawang daliri lamang ni Senador Bato ang nagkaroon ng bahagyang pinsala dahilan sa pagkadapa habang tumatakbo sa mga law enforcement agent.
Kapag naglabas na ng arrest warrant Sandiganbayan laban sa ilan na mga “senatong” na sangkot sa multi-bilyon kaso ng malversation, bribery, violations of the anti-graft and corrupt practices act, plunder, money laundering at pakikipagsapakatan sa maanonamalyang bidding upang makatamtam ng bilyones na kickback sa mga flood control project ay huwag sanang mag-atubili ang mga NBI agent na arestuhin din agad ang mga ito.
Maingay ang ilang “senatong” sa pagtatanggol kay Bato, tulad ng isang ex-convict na mambabatas na minamaliit pa ang iniisyung warrant of arrest ng ICC. Hindi nakapagtataka pagkat makitid naman talaga ang pang-unawa at pananaw ng high school graduate na mambabatas daw, sa usaping tulad ng saklaw ng Pandaigdigang Hukuman na lumilitis sa mga pinuno na nakagawa ng mga kasong capital offenses na nagtatakda ng kaparusahang Reclusión Perpetua o habambuhay na pagkabilanggo sa mga napatunayang nagkasala.
Naging instrumento din ang mga NBI agent sa paglansag sa malawakang operasyon ng illegal gambling sa Region 1, kung saan ay umaabot sa 170 indibidwal kabilang na ang mga tagapamahala at kapitalista ng mga gambling dens ang nasakote sa mga serye ng raid sa iba’t ibang lugar sa Pangasinan kabilang ang mga bayan ng Rosales, Manaoag at Calasiao.
Napakarami ding mga ilegal na pasugalan sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na tila napapabayaan at hindi naaaksyunan ng mga police chief ni PNP Region 4A Director BGen. Hansel Marantan na dapat ay NBI na ang umaaksyon.
Kabilang sa mga “eye sore” na gambling joint ay ang mala-casino na puesto pijo o permanenteng pasugalan ng isang Ka Bert sa P. Oliveros Street, Antipolo City siyudad ni Antipolo Mayor Casimiro “Jun-Jun” Yñares III at sa C6 Floodway Bypass Road,Taytay ng isang Dodie Bakla sa bayan ni Mayor Allan Martine S. De Leon na nagiging sanhi ng pagkalulong sa sugal at droga ng karamihan sa mga mamamayan sa lalawigan ni Rizal Governor Nina Ricci Ynares-Chiongbian.
Sangkaterba at mistulang kabute din ang operasyon ng karnabal o peryahan na pulos sugalan (pergalan) na front din ng bentahan ng droga sa buong CALABARZON. Bukod sa pergalan ay talamak ang operasyon ng sakla sa Tanauan City ng isang Lucido; bayan ng Cuenca ng isang alyas Kon Romy; Padre Garcia ng isang alyas Tisoy, Nonit, Jeff at Russel; Nasugbu ng ilang aktibong pulis at Sto. Tomas City ng isang alyas Magsino, na nagpapakilala ding “kapustahan” o police tong collector.
Nagsagawa ng pagdinig ang Kamara hinggil sa malawakang operasyon ng Small Town Lottery (STL) bookies sa Batangas at Laguna na nangunguna sa datus na may pinaka garapal na bookies o jueteng operation.
Ibinunyag kamakailan sa kanyang privilege speech ni Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste na ang nasa likod ng STL bookies sa Batangas ay sina Executive Sec. Ralph Recto at Party list Rep. Edwin Gardiola, na kapwa nagpabulaan sa isiniwalat ng 1st termer na kongresista. May karugtong…
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144