Advertisers

Advertisers

Grupo ng abogado pinabababa sa puwesto si General Parlade

0 252

Advertisers

DUMAMI pa ang mga grupong nananawagan na tanggalin o bumaba na sa puwesto si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., ang Southern Luzon Command chief at executive director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) dahil pa rin sa panibago nitong banat sa isang mamamahayag dahil sa pagsulat nito ng isang artikulo kaugnay ng panibagong petisyon sa Anti Terrorism Act.
Sa isang pahayag, sinabi ng Concerned Lawyers for Civil Liberties ang panibagong red-tagging ni Parlade ay banta raw sa buhay at seguridad ng karamihan.
Nag-ugat ang panibagong mainit na isyu nang tawagin nitong propagandist ang writer ng isang pahayagan dahil sa pagsulat nito sa bagong petisyon ng Anti Terror Act sa kasagsagan ng oral argument sa Korte Suprema noong Martes.
Nakasaad sa artikulo ang sinasabing pagtitiis daw ng mga Aetas sa pangto-torture ng mga militar na naging dahilan ng paghahain nila ng reklamo sa SC.
Kasunod nito, agad namang nag-post sa kanyang Facebook si General Parlade dahil umano sa pagsuporta nito sa “terrorist” propaganda.
Sinabi ng heneral na hindi raw kailanman naganap ang sinasabing pangto-torture ng militar sa petitioner ng kontrobersiyal na batas.
Ayon sa grupo ng mga abogado, ang pag-atake ng heneral ay paglabag daw sa freedom of expression at paglabag sa ating constitutional rights.
Una na ring kinondena ng grupo ng mga reporters na naka-beat sa Department of Justice (DoJ) ang pag-red tag ni Parlade at iginiit ng mga itong ginagawa lamang ng naturang journalist ang kanyang trabaho.
Matatandaan na una ring binanatan ni Parlade ang ilang grupo maging ang ilang mambabatas na kontra sa Anti Terror Law na supporters daw ng mga teroristang grupo.