Advertisers

Advertisers

DFA nagbabala sa China ukol sa bagong coast guard law

0 212

Advertisers

BINALAAN ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang China na higit pa sa paghahain ng diplomatic protest ang kaya nilang gawin oras na may gawin ang China nang hindi kaaya-aya alinsunod sa umiiral na bagong Coast Guard Law doon.

Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., na ito lamang ay isang babala dahil hindi sila magdadalawang isip na maghain ng anumang protesta.

Nakasaad na sa bagong batas ng China, pinapayagan ang mga ito na wasakin ang anumang istraktura na itinatayo o itatayo ng ibang mga bansa na claimant din ng mga isla roon.
Nauna rito, makailang beses nang iginiit ng Pilipinas na ang mga inaangking isla ng China ay bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">