Advertisers
ITINUTULAK ngayon sa Kamara ang pagbibigay ng tig-isang libong pisong ayuda sa bawat miyembro ng pamilya sa ilalim ng ipinapanukalang Bayanihan 3.
Paliwanag ni Marikina Rep. Stella Quimbo, isa sa mga may-akda ng House Bill 8628 o Bayanihan to Arise as One Act, nais ni Speaker Lord Allan Velasco na padaliin ang proseso ng pamimigay ng financial aid sa mga pamilyang apektado ng pandemiya.
Kung matatandaan maraming aberya ang umusbong sa pagpapatupad ng Social Amelioration Program o SAP dahil sa pagtukoy ng target beneficiaries, validation at double entries.
Kaya imbes na kada pamilya, kada indibidwal na miyembro na lamang ang bibigyan ng SAP sa halagang P1,000.
Bukod pa ito sa tig-P1,000 para naman sa estudyante at guro na bahagi ng ayuda para sa kanilang online o distance learning.
P108 billion ang ipinapanukalang pondo para sa SAP habang P30 billion naman ang para sa internet allowance ng mga estudyante at guro. (Henry Padilla)