Advertisers

Advertisers

17 public market sa Maynila ‘di nagtinda ng karneng baboy: ‘PORK HOLIDAY’

0 259

Advertisers

NAGSAGAWA ng ‘pork holiday’ ang 17 pampublikong pamilihan sa Maynila bilang pakikiisa sa presyo ng baboy na maibaba.
Una nang ikinasa ng meat vendors sa Paco Market ang kanilang holiday, tumigil muna sila sa pagtitinda ng lahat ng karne ng baboy, manok, baka, kalabaw at maging ng frozen products.
Sa pahayag ni Proscilla Romanes., opisyal ng Paco Market Vendors Association, hindi nila kakayanin ang ibinigay na P270 price ceiling sa kare ng baboy dahil ang kanilang ipinupuhunan ay P300 kada kilo.
Kapag hindi, aniya, sila mapagbigyan, maaring hindi parin sila magtitinda.
Inihayag din ng Manila Public Information Office na nakiisa narin ang iba pang pampublikong pamilihan, ayon narin sa kumpirmasyon ni Manila Market Administration Office (MMAO) Director Zenaida Mapoy.
Bagama’t mayroon pang ilang nagtinda ng karne nitong umaga ng Lunes sa Andres Market at Quinta Market, pinaubos na lamang anila ang natitira nilang stock at nag-holiday din sila.(Jocelyn Domenden)