Advertisers
LIMA ang arestado sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang drug den sa Purok 7, Inigo Street, Davao City, Linggo ng gabi.
Timbog sa operasyon ang subject ng buy-bust na si alyas “Wangbu” at ang isang kasama nito sa pagbebenta ng isang pakete ng shabu. Arestado rin ang tatlong bisita sa drug den.
Tinatayang aabot sa P165,000 halaga ng shabu ang nasamsam mula sa mga nahuli sa operasyon.