Advertisers
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia at Hong Kong sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa paghahatid ng libreng assessment at certification sa mga Filipino communities sa ibang bansa.
Nabatid na xsa pamamagitan ng Overseas Assessment Program (OAP) ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga OFWs na sumailalim sa assessment at makakuha ng TESDA National Certificate (NC) o Certificate of Competency (COC) na hindi na kailangang bumiyahe pa pabalik sa Pilipinas.
Sa Riyadh, muling idinaos ng TESDA ang OAP, sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy at Migrant Workers Office (MWO) para sa mga OFWs sa Kingdom of Saudi ARabia. Ang assessment ay para sa Caregiving NC II, Health Care Services NC II, Massage THerapy NC II at Barista NC II.
Samantala, matagumpay ring nagsagawa ng kauna -unahang OAP sa Al Khobar, sa pakikipagtulungan ng Department of Migrant Workers, Procare Hospital at Saudi-Canadian Training & Simulation Center. Ang assessment ay para naman sa Caregiving NC II at Health Care Services NC II upang gawing abot-kamay ang certification services para sa silangang lalawigan ng Saudi Arabia.
Nakipagtulungan rin ang DMW sa TESDA para naman sa assessment na idinaos sa Jeddah para sa Caregiving NC II, Caregiving (Elderly) NC II, Health Care Services NC II, Massage Therapy NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II, Electrical Installation and Maintenance NC III, PV Systems Installation NC II at Early Childhood Care Development NC III.
Ang pinagsanib na OAP sa Saudi Arabia ay nagresulta sa assessment ng 1,056 OFWs, kung saan 946 OFWs o 90 porsyento ang pumasa at nakakuha ng kanilang National Certificates.
Sa Hong Kong, nagdaos rin ang TESDA ng assessment para sa Massage Therapy NC II, Kong saan 57 OFWs ang nagpa-assess at 49 ang pumasa ant na Katanga ng kanilang National Certificates. Ito ay katumbas ng 86 na porsyento ng pagpasa.
Lubos na nagpapasalamat si Nuraina Sabdani, isang infection control nurse sa Riyadh sa inisyatibong ito ng pamahalaan. Ayon sa kanya, ang OAP ay pabor sa mga OFWs na hindi na kailangang gumastos at bumiyahe pa pabalik sa Pilipinas para lamang magpa-assess.
Nagpaabot rin ng paghanga sa inisyatibo si Rosalee Matanog, isang OFW sa Hong Kong, at binigyang-diin na mapalad ang mga OFWs dahil sa mga programang tumutugon sa kanilang pangangailangan.
Gayundin, sa pagbisita sa Hong Kong, nilagdaan nina TESDA Secretary Jose Francisco “Kiko” Benitez at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne Caunan ang Memorandum of Agreement upang higit na palakasin ang patutulungan sa mga programs sa skills development, assessment, certification, scholarship support at reintegration ng mga OFW. (JOJO SADIWA)