Advertisers
TINATAYANG nasa P700 million taxpayers’ money ang nalustay sa 28 days na pagiging Senate President ni Alan Peter Cayetano.
Ito ang post ni Senador Ping Lacson sa kanyang Facebook account nitong Hunyo 18.
Say ni Ping, sa halos isang buwan na pamumuno ni Cayetano sa Senado, puros gulo ang nangyari: barilan, pagtakas kay Senador Bato sa kabila ng pagkakaroon nito ng ICC warrant habang nasa “protective costudy”, session boycott, bigong destabilization attempt, ‘di otorisadong committee hearings na inupuan ng hindi senador at hindi dinaluhan ng kahit isang senador.
“What a waste of taxpayers’ money!,” diin ni Ping.
Paano naman kasing hindi magiging magulo ang liderato ni Cayetano eh napuwesto siya sa isang magulong paraan noong Mayo 11, kungsaan biglang sumulpot si Sen. Bato (mula sa higit anim na buwan nagtatago) para magkaroon ng 13 boto si Cayetano at mapatalsik si Sen. Tito Sotto.
After 3 days pagkaupo ni Cayetano as Senate President, Mayo 13 ng gabi, biglang nagkaroon ng barilan gawa ng hepe ng Senate security na si retired Major Geneal Mao Aplasca, na ang purpose ay para makatakas si Bato na noo’y nakatakdang arestuhin ng mga operatiba ng NBI dahil nga sa ICC warrant.
Mayo 14 ng madaling araw, itinakas ni Sen. Robin Padilla si Bato sa pamamagitan ng pagsakay sa kanyang sasakyan. Nakunan ito ng CCTV.
Simula noon ‘di na nagpakita si Bato, na ngayo’y wanted na sa International police.
Simula noon ay puros kagagohan na ang ginawa ng tropa ni Cayetano. Nagsagawa sila ng Senate Blue hearing kaugnay ng flood control anomaly na ang mga invited “resource persons” ay ang 18 mga dating security ng puganteng dating Congressman Zaldy Co na puros tahi-tahi ang mga kuwentong maleta.
Dahil sa pagkadismaya ng ilang kaalyado ni Cayetano na sina Chiz Escudero at Joel Villanueva, bumaligtad ang dalawa, at nahalal si Win Gatchalian bilang bagong Senate President.
Hindi na ngayon mahagilap ng media si Cayetano. Sa kanyang Facebook nalang ito nagnga-ngakngak!
Ito ang nangyayari kapag ang kapangyarihang nakamit sa gulo ay natatapos din sa gulo. Mismo!
***
SINABI ni NBI Director, Atty Melvin Matibag, magsasampa sila ng ‘qualified human trafficking’ charges laban kay dating Congressman Mike Defensor, matapos matuklasang may kaugnayan ang huli sa isang KTV bar na sinalakay ng mga operatiba ng NBI sa Pasig Cty kamakailan.
Bukod dito, may kinakaharap pang plunder case si Defensor kasama si Sen. Rodante Marcoleta, ang mga may pakana ng paglutang ng 18 Maleta boys na mga dating security ni Zaldy Co.
Oo nga pala, umikot ang tumbong ni Marcoleta sa isang post ni Cong. Pulong Duterte.
Ipinagkalat ba naman ni Pulong na mayroon nang arrest warrant si Marcoleta sa kinakaharap nitong kasong Plunder kaugnay ng P75 million na ibinigay dito bilang campaign fund noong nakaraang election pero hindi nito idineklara sa kanyang SALN at sa SOCE.
Ano nga kaya kung totoo ang post ni Pulong. Hehehe…