Advertisers

Advertisers

Mga estudyante at faculty staff ng ADMU nakiisa sa pamilya ng 2 nasawing Ateneo athletes

0 5

Advertisers

NAGSAGAWA ng solidarity walkout ang mga estudyante at faculty staff ng Ateneo de Manila University (ADMU) nitong Biyernes, Hunyo 19.

Bandang alas-4 ng hapon, sabay-sabay na lumabas sa kanilang mga klase ang mga miyembro ng Sanggunian ng mga Mag-aaral ng ADMU.

Ito’y bahagi ng kanilang patuloy na pagpapahayag ng pagkadismaya sa pamunuan ng Ateneo dahil sa umano’y kakulangan ng pananagutan sa mga naulilang mahal sa buhay nina Rene Baterbonia at Divine Adili.



Kasunod ito ng isinagawang town hall meeting kung saan sinagot ng Ateneo administration ang mga hinaing ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng naturang unibersidad.

Panawagan ng Ateneo community, katarungan para kina Rene at Divine at pananagutin ang mga umano’y nagpabaya kaya nangyari ang trahedya.



Nananawagan din ang mga estudyante na muling suriin at i-renew ang institutional leadership ng Ateneo upang maibalik ang dignidad at pagtitiwala sa institusyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">