Advertisers

Advertisers

PBBM dinepensahan si Sen. Escudero bilang presiding officer ng impeachment court

0 6

Advertisers

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kayang pamunuan ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kung siya ang magiging presiding officer ng Senado bilang impeachment court, sa gitna ng mga batikos laban sa senador.

Ayon kay Pangulong Marcos, opinyon lamang ang mga batikos at hindi ito dapat maging batayan sa kakayahan ni Escudero na pangunahan ang proseso.

Mismong si Escudero aniya ang bumalangkas ng mga panuntunang ginagamit ng Senado sa nakaraang impeachment proceedings.



Sinabi pa ng pangulo, hindi maikakabit kay Escudero ang pagkakahinto ng nakaraang impeachment trial dahil bunga ito ng naging desisyon ng Supreme Court at hindi ng anumang pagkukulang ng Senate president.

Suportado rin aniya ng pangulo ang sinumang opisyal na piliin ng Senado na magiging presiding officer basta’t ito ay naaayon sa umiiral na batas.



Iginagalang aniya ng ehekutibo ang kapangyarihan at awtonomiya ng Senado sa usapin ng pagpili ng mamumuno sa impeachment proceedings. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">