Advertisers

Advertisers

Eala kabilang sa rising stars sa US Open exhibition

0 9

Advertisers

NAKAHANDA si Alex Eala na ipakita ang kanyang lumalaking bituin na talento kasama ang kapwa mga batang standout na sina Joao Fonseca, Iva Jovic, at Learner Tien sa isang exhibition match na nakatakda sa Agosto 27 sa 2026 US Open Tennis Championships.

Inanunsyo ito ng US Open sa social media noong Biyernes, Hunyo 26, kung saan tinaguriang ‘Stars of the Open’ ang event, bilang bahagi ng mga pagdiriwang ng Fan Week ng torneo.

“Stars of the Open presented by Chase to feature an unforgettable night with the most exciting young stars in tennis!” ayon sa post.

Sinabi ng mga tagapag-organisa na ang bahagi ng kikitain sa ticket ay mapupunta sa USTA Foundation. Kasalukuyang nasa ika-27 na pwesto ang 19-anyos na si Fonseca sa ATP at kamakailan lang ay gumawa siya ng ingay matapos talunin ang multiple Grand Slam champion na si Novak Djokovic sa Round of 32 ng French Open nitong Mayo.

Si Jovic, isang matalik na kaibigan ni Eala, ay isa ring 18-anyos na standout na nakarating sa quarterfinals ng Australian Open ngayong taon sa pamamagitan ng pag-talo kay Jasmine Paolini na noon ay world No. 8. Ang panalong iyon ang nagpayag sa kanya na maging pinakabatang Amerikana na nakarating sa quarterfinals ng torneo mula pa noong 1998 kasama si Venus Williams.

Si Tien, na 20 anyos at may lahing Vietnamese, ay isa ring quarterfinalist sa 2026 Australian Open, matapos niyang sorpresahin ang dating world No.1 na si Daniil Medvedev sa ika-apat na round bago matalo kay third seed Alexander Zverev.