Advertisers

Advertisers

2 PATAY , 1 SUGATAN NANG GUMUHO ANG HINUHUKAY SA LAS PIÑAS

0 12

Advertisers

DALAWANG manggagawa ang namatay matapos gumuho ang isang hukay sa Barangay Pamplona II, Las Piñas City noong Linggo, Hunyo 28

Ayon kay Las Piñas City Police Assistant Chief of Police for Operations Police Lieutenant Colonel Teoson Rosarito sa isang panayam sa radyo, tatlong iba pang manggagawa ang nakaligtas, isa sa kanila ang nasugatan at dinala sa ospital.

Aniya, dalawang worker ang nakaligtas at hindi naman agad na-trap habang ang isa ay sugatan kaya dinala agad sa ospital. Ang dalawang kasamahan nila na-trap ay hindi na nakaligtas ng buhay dahil sa insidente.

Nabatid sa ulat na halos 18 meters ang lalim ng kanilang hinuhukay, nang biglang nag-collapse ito dahilan upang ma-trap ang limang tao sa ilalim nang hinuhukay nila.

Sinabi ni Rosarito na naganap ang aksidente alas-2:52 ng hapon noong Linggo.

Nagmadaling pumunta sa lugar ang mga tauhan ng Philippine National Police, BFP, at ng City Disaster Risk Reduction and Management Office at nagtrabaho nang magdamag sa lugar ng aksidente.

Samantala, ikinalulungkot ng water concessionaire na Maynilad na naganap ang aksidente sa kanilang project site sa Pamplona 2, Las Piñas City. (JOJO SADIWA)