Advertisers

Advertisers

Kung nasa Kapamilya na si Janine… Maja tuloy na ang pagiging Kapuso, makakasama sa serye si Heart; Ritz pinahihinto na sa showbiz ng fiance

0 352

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SA pagkalat ng photo na makikitang magkasama sina Heart Evangelista at Maja Salvador na kapwa nakapostura ay mas lalong umingay ang tsikang kasado na umano ang pag-oober da bakod ni Her Majesty sa Kapuso Network ngayong Pebrero.

Ayon sa tsika, hindi lang maingay ang kampo ni Maja sa pagiging Kapuso na niya. Pagkatapos na masibak sa ere ang Sunday Noontime Show nina Maja at Piolo Pascual sa TV5 ay nagkaroon na raw ng usapan sa pagitan ng manager ni Maja at GMA 7 management.



Dalawa umanong factor ang isinaalang-alang ng panig ni Maja kaya hindi na raw nagdalawang isip pa ang aktres na mag-YES sa offer ng GMA-7.

Hindi raw matatawaran ang malaking offer na TF ng GMA-7 kay Maja lalo na sa panahon ngayon na sadyang mahirap makahanap ng trabaho.

Pero higit sa lahat ay ang kasiyahan ni Maja nang buong puso siyang tanggapin ng Kapuso Network. Damang-dama raw ni Maja ang pagmamahal at pagwe-welcome sa kanya ng GMA-7.

Kaya para sa loyal Kapuso followers, okey lang daw na nawalan sila ng isang best actress na si Janine Gutierrez sa paglipat nito sa Kapamilya Network,  mas okey raw na bukod sa award winning din si Maja ay may bonus pa silang  Richard Yap na nitong Pebrero  officially na naging Kapuso.

Pasok din si Maja sa Sunday Noontime show ng GMA 7, ang “All Out Sunday” at kaabang-abang ang ipamamalas ni Maja na galing sa paghataw sa dancefloor ng AOS weekly.



Tsika rin na pasok ang byuti ni Maja sa teleserye nina Heart Evangelista at Richard Yap na, “I Left My Heart In Sorsogon,” and wait there’s more, feel daw ni Kuya Willie Revillame na gawin ding co-host si Maja. Welcome to Kapuso Her Majesty Maja.

***

IS it true na may plano na raw si Ritz Azul na mag-quit sa showbiz? Bukod kasi sa pandemya na maraming artista ang naapektuhan ang mga trabaho at humina ang karaketan sa showbiz. Alam naman ng lahat na engaged na si Ritz at magpapakasal sa kanyang fiancee na non-showbiz na si Allan Guwi.

Si Allan ang first boypren ni Ritz na agad naman nag-alok ng kasal sa dalaga ilang buwan pagkatapos siyang sagutin ng aktres.

At dahil daw sa non-showbiz ang mapapangasawa ni Ritz, sinabihan daw siya nito na mag-quit na lang sa showbiz at ibuhos ang panahon sa pagbuo nila ng pamilya.

Say naman ni Ritz, very supportive raw ang kanyang fiance at kahit pa magsama na sila bilang mag-asawa ay andun pa rin ang suporta ni Allan sa showbiz career niya.

Nakilala raw siya ng fiance na isang artisa at pangarap na talaga ito ni Ritz  simula noong bata pa lang. Kaya matiyaga siyang sumasali  sa mga artista search ng mga  network. Hindi man mapalad na naging utimate female winner pero mas naungusan pa ni Ritz ang karir ng grand winner ng artista search show ng isang network.