Advertisers

Advertisers

2022 nat’l at local elections tuloy sa kabila ng covid-19 pandemic – Comelec

0 243

Advertisers

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na tuloy ang national at local elections sa susunod na taon kahit mayroong Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa Comelec), mayroon nang tentative date ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) mula Oktubre 1 hanggang 8, 2021.
Pahayag pa ni Comelec Chairman Sherif Abas sa isang virtual press briefing kahapon, mandato raw ng Comelec na magsagawa ng halalan sa Mayo 2022.
Sa ngayon, tuloy-tuloy daw ang paghahanda ng Comelec sa halalan at inihahanda na rin ang calendar of activities.
Mananatili namang automated ang halalan maliban na lamang kapag mayroong bagong batas kaugnay rito.
Ang mga lumang vote counting machines (VCM) naman mula sa Smartmatic ang gagamitin sa May 2022 polls.
Patuloy pa rin naman ang registration sa papalapit na halalan at magtatapos sa Setyembre 30, 2021. (Josephine Patricio)