Advertisers
By NONIE V. NICASIO
AMINADO ang newbie actress na si Yvonne Lexie Valencerina na idolo niya ang sikat na aktres na si Kathryn Bernardo.
Ayon sa 12 year old na bagets, “Si Ate Kathyryn Bernardo po, I like her acting skills, I idolize her in horror and in crying scenes po, I always copy her.”
Si Yvonne ay isang multi-talented na student ng Notre Dame of Greater Manila, na sumasabak sa competitive swimming, fashion modeling, pageantry, dance, at ngayon, pati sa pag-arte na rin sa harap ng kamera.
Debut movie ni Yvonne ang advocacy film na “Teen Journeys” na mapanood very soon sa mga piling sinehan, ilang filmfest, pati na sa mga paaralan.
Bukod kay Yvonne, tampok dito sina Billy Domingo, Sky Espinosa, Marianne Bermundo, Yvonne Valencerina, Marcene Bermundo, Rj Ariar, Moi Bien, Keana Reeves, at Rayan Dulay.
Nagkaroon ng press conference ang nasabing advocacy film, kasama ang premiere at screening ng pelikula, ginanap ito sa Persons with Disabilities Movie Fest last July 30, 2026 sa Tanghalang Nicanor Locsin, National Commission for Culture and the Arts sa Intramuros, Manila. Present din dito si Richard Hiñola.
Ang pelikulang ito ay nagwagi ng opisyal na grant mula sa patimpalak at suportado ng mga iginagalang na pambansang institusyon. Matapang nitong tinalakay ang mga napapanahong paksa tulad ng karanasan at pakikibaka ng mga kabataang LGBTQIA+ at tibay ng loob sa makabagong panahon.
Ang advocacy film na ito ay proudly presented by The LoveLife Project’s YEAHA Channel.
Ano ang naramdaman niya nang nalamang gagawin na niya ang pelikulang ito.
Tugon ni Yvonne, “I felt happy po and at the same time ay nervous, kasi first time ko po talaga ito. Also, I feel so blessed po and I feel special na makatrabao ang mga kasama ko rito at makasama sa movie na ito.”
Nakapag-acting workshop na ba siya? “Noon po, yes po… bale twice na po, nakapag-acting workshop pa po ako after nitong una.”
Ang role raw niya sa movie ay isang bagets na jolly, pero protective sa kanyang kuya. “Kapatid po ni Lance na humble at over protective ako sa aking kuya,” esplika pa ni Yvonne.
Ano ang aabangan sa kanya sa pelikulang ito? “Actually po, parang medyo halo, may comedy po na may seryoso rin pong eksena,” wika ni Yvonne.
Ito naman ang nabaggit ng writer-director-producer na si Direk Crisaldo Pablo sa kanilang pelikula.
Aniya, “Teen Journeys ang title niya, kasi ang gusto naming ipakita ang journey ng mga lalaki, specifically sa pagbibinatilyo nila. Kasi rito sa atin, usually ay kababaihan iyong nafi-feature kapag teenagers. This time naman, ang feature ay sa male, and when we say males, it also features gender identities.”