Advertisers

Advertisers

HANDA KAYA SI PBBM SA “RESBAK?”

0 9

Advertisers

KASAMA tayo sa mga natuwa at pumalakpak sa panawagan ni PBBM sa Kongreso na panahon na para amyendahan ang RA 9136 o ang ‘Electric Power Industry Reform Act of 2001’ (EPIRA).

At talagang malaki ang tama ni Presidente sa kanyangg katwiran bakit nga ba tayong mga ‘consumers’ ang magpapasan ng pagbabayad sa ‘system loss’ ng mga transmission at distribution companies katulad ng Meralco, samantalang wala naman tayong kinalaman o “kasalanan” kung bakit may system loss?

Kaya lang, naisip natin: Hindi kaya “nakabigla” lang si PBBM sa kanyang panawagan bagaman maganda ang kanyang layunin na pagaanin ang pasanin ng taumbayan?

Unahin muna na natin ang masaklap na katotohanan: Ang mga elitista at mga oligarko na may kontrol sa ating mga batayang industriya– bangko, komunikasyon, transportasyon, tubig at kuryente– ang may hawak ng totoong kapangyarihan sa ating bansa. Obserbasyon nga ni Karl Marx– Ang Estado (gobyerno) ay isa lang departamento ng naghaharing burgesya.

Kontrolado rin nila ang ating mass media, mga nagpoposturang “oposisyon,” Simbahan, mga NGOs, at kahit ang mga komunistang grupo.

Sa lahat ng batayang industriya na pinagkikitaan nila ng daang bilyon mula sa pawis nating lahat kada taon, ang kontrol sa kuryente– at kung magkano ang kanilang tutubuin– ang sa ating tingin ay ang ‘Crown Jewel’ ng mga gahamang ito.

Tanong: Bakit nga ba tinanggal si Pang. Erap ng sabwatan ng mga korap sa AFP at mga elitista (na “binasbasan” ng mga Kano) noong 2001? Hindi dahil korap si Erap at mandarambong– dahil gawa-gawa lang naman ang lahat ng ito, sa totoo lang!

Sagot: Nagkaoon ng sabwatan– na pinondohan ng mga oligarko– upang iligal na alisin si Erap dahil “binulabog” niya ang interes ng mga oligarko, partikular na sa isyu ng kuryente.

Balikan natin na sa panahon ni Erap, pinutol niya ang ‘sovereign (government) guarantee’ sa mga inutang sa mga dayhang bangko ng mga elitista para makapagtayo sila ng mga planta ng kuryente– matapos mapasakamay nila ang buong industriya noong panahon ni Cory at FVR.

Ang katwiran ni Erap noon? Bakit gobyerno ang gagarantiya sa utang ng pribadong sektor para matiyak na hindi sila malulugi sa kanilang negosyo?

At parang “pareho” lang ang sitwasyon ngayon hindi ba mga kabayan?

Gusto na ring tuldukan ni PBBM ang isang sa mga “secret cash cow’ ng mga oligarko– ang koleksyon nila mula sa system loss na kinukwenta batay sa pormula na sila rin ang gumawa sa ilalim ng EPIRA!

EPIRA ang unang batas na ipinasa ng Kongreso matapos mapatalsik si Erap dahil ito ang gusto ng mga oligarko,

At ngayon na gustong “guluhin” ni PBBM ang kanilang “tabakuhan,” nakahanda kaya si PBBM sa gagawing “resbak” ng mga demonyong ito?