Advertisers

Advertisers

Mag-asawa utak sa pagpatay sa pro-BBM vlogger tukoy na, pero nakalalaya pa

0 2

Advertisers

UTANG na umano’y umabot sa P8 milyon at personal na away ang lumilitaw na motibo sa pamamaslang sa pro Marcos vlogger na si Alicia Lipata, mas kilala bilang “Mima Alicia”.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., ito ang lumabas sa kanilang imbestigasyon kungsaan tukoy narin ang dalawang mastermind na negosyante at kasosyo sa negosyo.
Napag-alamang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Lipata at ang mag-asawang ‘utak’ dahil sa P8 million na utang.
Ang mga mastermind ay kinilala ng mga naarestong salarin.
Tumanggi ang PNP Chief na pangalanan ang mga suspek dahil patuloy pa ang imbestigasyon.
Aniya, naisampa na ang mga kaso laban sa mga ito, nguni’t nananatiling nakalaya at tinutugis pa ng mga awtoridad.
Si Lipata, na kilala bilang tagasuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay binaril ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang bahay sa Caloocan City, Hulyo 17 ng umaga.
Naaresto Hulyo 23 sa Mabalacat, Pampanga ang dalawang gunmen.
Samantala, sumuko na ang umano’y middleman sa pagpatay kay Lipata.
Sinabing mga gun-for-hire ang mga bumira.