Advertisers
PATAY ang magkaibigang bading at babae nang pagbabarilin habang nagpapahinga sa dalampasigan ng Baseco, Port Area, Maynila, Sabado ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Leif Erickson Parama, 29 anyos, bakla, residente ng Block 2, Baseco; at isang alyas Jennifer Legazpi na dayo sa lugar.
Sa ulat, 3:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa sea wall ng Block 8, sakop ng Barangay 649, Baseco.
Ayon sa report, 3:40 ng hapon nang itawag sa CCTV operator ng Brgy. 649 ang nasabing krimen na agad ipinaalam sa MPD-Station 13.
Sinabi ni Gerardo Parama, 55, ama ni Leif Erickson na wala silang alam na kaaway ang anak at maging ang kaibigan nitong babae na pinatay.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Andi Garcia)