Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
LOOKING forward si Marian Rivera sa bagong project ngayong 2021.
Kung hindi man natuloy ang proyekto niya noon sa GMA-7 dahil sa pagba-back out niya sa First Yaya, hindi raw ibig sabihin noon na hindi niya type makatambal si Gabby Concepcion.
Dahil lumalaki raw ang kanilang mga anak ni Dong na sina Zia at Sixto, hindi raw magawang iwan ang mga ito dahil gusto niyang subaybayan ang paglaki ng mga ito.
Bilang ina, aligaga rin siyang iwan ang kanyang mga anak sakaling mag-i-stay siya sa lock-in tapings.
Gayunpaman, looking forward siya na maibabalik din ang lahat sa new normal.
Siyempre, nami-miss na rin daw niya ang pagtratrabaho sa pelikula at telebisyon.
Sa pagbabalik daw niya, gusto niya ay iyong light lamang.
“Gusto ko sitcom para light lang. At siyempre kung may makaka-partner man lang din ako ay ire-request ko na yung asawa ko hindi ba? This year meron kaming gagawin sana matuloy. Secret pa pero sana matuloy. Secret!” pahayag niya.
Ngayong Valentine’s, wala raw silang dinner ni Dong sa labas ng kanilang bahay.
Simple lang daw ang magiging pagdiriwang nila ng Araw ng mga Puso.
“Sa bahay lang kami. Magluluto ako para sa kanila. Magpa-party kami dito sa bahay. Nagre-request sina Dong at Zia gusto nila ng spaghetti eh di okay. May secret ako dun. Kung nanunuod kayo at tinitingnan niyo Instagram ko, medyo may mga slight hint na ako dun so alam niyo na …,” sey niya.