Advertisers

Advertisers

Heart nilinaw, walang anak sa dating dyowa

0 219

Advertisers

Ni JULIET PACOT

PINABULAANAN ng socialite-actress na si Heart Evangelista ang alegasyon na may itinatago siyang anak mula sa kanyang dating dyowa sa Davao City.

Walang gatol na sinagot ni Heart ang isang game mula sa mga nag-usisang fans na lalaki raw ang naging anak nito at hanggang ngayon ay hindi nito binabalandra sa publiko.



Iginiit ni Heart, kung totoong mayroon siyang anak hindi niya ipagkakait dito ang komportableng buhay, imbes aniyang sarili niya ang unahin sa pagiging maluho dahil trip nitong gumasta at  mag-shopping palagi, siguro naman ay matitigil na ito dahil may paglalaanan siyang anak.

“If I had a baby, I will definitely take care of them. I’d give them everything. Everything I have, I will share or I’ll even give them more. I’ll probably even stop shopping for myself,” saad nito sa kanyang YouTube video blog.

Nabatid na dalawang beses nang dumanas ng miscarriage o nakunan ang misis ni Gov. “Chiz” Escudero, kaya ipinapasa-Diyos na lamang kung makakabuo muli.

Sa ngayon ay aalagaan muna nito ang kambal ng kanyang 51-year-old husband mula sa dating misis.

Aminado naman si Heart o Love Marie sa tunay na buhay, na minsan na lamang sila magkasama ni Chiz pero hindi ito hadlang para sa hiwalay na kuwarto pa sila matulog.



Katunayan ay mabilis siyang natuto na mag-adjust sa naging set up nila ng dating senador.

Kasabay nito, may payo rin ang socialite-actress para sa mga kababaihan na nasa isang “manipulative” na relasyon o kinokontrol ng kani-kanilang partner.

“If I’m miserable and my husband is the type that’s rich but demanding like, ‘you can’t do this, you can’t do that,’ kasi binubuhay ka niya, oh my god then ‘sa’yo na lahat ’yan noh. Saksak mo sa baga mo yung Birkin na ’yan. Basta nasa tama ka,’ pag umalis ka na sa bahay na ’yan, sa manipulative na mayaman, nako, you will achieve more in life because you will have all the freedom. You have your life and that’s the biggest wealth that you could start with first and everything else will come. Don’t ever be with anybody who controls you. It’s such a big turn off. You have to have a backbone, girl!”

***

BINABATI ko si Sta. Rosa, Laguna Mayor Arlene Arcillas sa patuloy na pag-unlad at pag-asenso ng syudad dahil sa makabuluhan nitong mga programa at proyekto.